Kagabi sinimulan ng Shell, Petron, Caltex, Flying V, at SeaOil ang pagpapalit sa presyo ng kanilang produktong diesel, gasolina at kerosene ngunit umaabot naman sa P5.50 kada 11 kilo ang itinaas ng LPG.
Ayon kay Shell spokesperson Robert Kanapi, ito na ang ikaapat na pagbaba ng presyo ng kanilang produktong petrolyo mula nang maipatupad ang expanded value added tax (EVAT) noong Nobyembre 1.
Ayon naman kay Department of Energy (DoE) Undersecretary Peter Anthony Abaya na inaasahan pa ang sunud-sunod na rolbak hanggang buwan ng Enero sa susunod na taon at aabot pa sa P3 kada litro ang ibababa nito.
Sa kasalukuyan ay umaabot na lang sa P31.70 ang presyo ng diesel na karamihang ginagamit ng mga pampasaherong jeep at bus habang tuloy pa rin ang P1 diskuwento ng mga ito sa mga gasoline stations. (Edwin Balasa)