Ang mild stroke ay dinanas ni Rep. Magsaysay habang idinedepensa nito sa house committee on education ang mabilis na pagsasabatas ng HB 1190 para bigyan ng non-wage benefits ang mga guro.
Napansin ng mga mambabatas ang pagiging utal ni Magsaysay kaya dinala ito sa pagamutan. Tiniyak naman ni Dr. Lena Certeza na isang mild stroke ang dinanas ng solon at magbabalik agad ang dati nitong kalusugan.
Pinayuhan naman ni Dr. Frederick So. Pada, executive director ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) si Magsaysay na maghinay-hinay sa trabaho habang nasa therapy ito.
Si Magsaysay ang nagbunyag ng fake teachers racket na inimbestigahan ng Kamara pati ng Department of Education at Professional Regulatory Commission.
Kagagaling pa lamang ni Rep. Magsaysay sa Filipino-American Educators convention noong nakaraang buwan sa Anaheim, California.