Base sa inilabas na resulta ng National Education Testing and Research Center (NETRC), topnotcher ang Eastern Visayas na nakakuha ng 69.15% sa Grade Six at 58.55% sa High School level, habang ang NCR ay nakapuwesto sa ikawalo sa Grade Six level at pang-11 naman sa Fourth Year level.
Sinabi ni DepEd spokesman at Assistant Secretary Camilo "Bong" Montesa sa 2005 Educators Congress na nakababahala ang naging resulta ng exam gayung ang NCR ang nakakakuha ng malaking pondo.
Napikon naman si DepEd NCR Director Teresita Domalanta sa pasaring na kulelat ang NCR at sinabing marami lamang diumanong obstruction sa pag-aaral ng mga bata kabilang na ang mga telebisyon, video machines at naglalakihang mga malls.
Dagdag pa rito ang hindi pakikipagtulungan ng magulang para mapigilan ang pagbubulakbol ng mga estudyante.
Gayunman, sinabi nito na pipilitin nilang makopo ang unang puwesto sa susunod na taon. (Edwin Balasa)