Ayon kina House Deputy Speaker for Mindanao Gerry Salapuddin at Lanao del Sur Rep. Benasing Macarambon, dapat merito at kahalagahan ng pambansang pondo sa pamumuhay ng taumbayan ang maging pangunahing konsiderasyon ng mga senador sa plano nitong gawin ang Senado bilang committee on the whole upang mapabilis ang pagpapatibay sa panukala.
Naniniwala ang mga kongresista na dapat nakatutok lamang sa pagtalakay sa pambansang pondo ang sisimulang pagdinig sa Lunes ng Senado at hindi gagamitin ang okasyon para ipagpatuloy ang kanilang paninira at pagbatikos sa gobyerno. Hinikayat nina Salapuddin at Macarambon na alamin ng Senado kung makatutugon ba ang pambansang pondo sa mga inilatag nitong programa at proyekto para sa mamamayan sa susunod na taon. (Malou Rongalerios)