Magsasagawa ng libreng operasyon sa ibat ibang mahihirap na komunidad sa siyudad ang mga Fil-Am doctors na pinangungunahan ni Dr. John Monteverde na mula sa Norweigan-American Hospital ng Chicago.
Kasama sa mga ooperahan ang mga may meningocele, hydrocephalus, cyst, cataract, cleft palate, etc. Magbibigay din ng libreng operasyon sa puso ang mga Fil-Am na duktor para sa mga mahihirap ng lungsod na nangangailangan nito.
Ikinagalak ng bise ang pagbigay ng libre sa mga serbisyong ito na kung kukunin sa isang pribadong hospital at mula sa mga ekspertong tulad ng mga nasabing duktor ay mahal at hindi kakayanin ng mga mahihirap.
Ang medical mission ay nagsimula kahapon at magtatagal ng 2 linggo.