Sa memorandum na ipinadala ng Palasyo kay DOJ Sec. Raul Gonzalez, inutos nito na siyasatin kung may pakikipag-alyansa ang nabanggit na grupo sa CPP-NPA at kung may kaugnayan ang mga pary-list group sa mga aktibidades ng makakaliwang grupo.
Pinasisiyasat din sa DOJ kung maaaring pansamantalang ipapigil sa Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng pork barrel sa mga party-list representatives.
Itinayo ang Bukluran bilang umbrella organization ng mga nagsama-samang partido tulad ng United Opposition, Citizens Congress, Sanlakas, Bayan Muna, Gabriela at Akbayan.
Matatandaang napaulat na ang pork barrel ng mga militant representatives ay ginagamit umano sa mga isinasagawang kilos protesta laban sa pamahalaang Arroyo. (Grace dela Cruz)