Ang pakikipag-usap kay Pichay ng mga kinakatawan ng Sunshine Coalition ay isasagawa bukas sa isang hindi pinangalanang hotel sa Cagayan de Oro.
Aminado si House Majority Leader Prospero Nograles na hindi pa maayos ang usapin kaugnay sa speakership kaya kakausapin ng ilang mambabatas si Pichay upang maging maayos ang muling pagbubukas ng sesyon sa Lunes.
Kabilang sa mga inaasahang tatalakayin sa Lunes ang Charter Change, reorganisasyon ng Kamara, Anti-Terrorism Bill at legislated wage increase na ipinag-utos na ni Pangulong Arroyo.
Nauna rito, nagbigay na ng suporta kay de Venecia ang Liberal Party (LP), Nationalist Peoples Coalition, Lakas-CMD at Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi). Kabilang rin sa Sunshine Coalition ang Nacionalista Party (NP) at party-list representatives.
Ayon naman sa ilang solon, dapat magkaroon ng "transparency" sa Kamara may krisis man o wala upang maiwasan ang pag-aalburoto ng ilang mambabatas. Kabilang sa inaangal ng ilang solon ang naantalang pagpapalabas ng kanilang pork barrel. (Malou Rongalerios)