Sa resolution no. 18 ng NPC, kinondena nito ang ginawa ni Gonzales laban kay Manila Times reporter Jomar Canlas na dating pangulo ng Justice Reporter Organization (Juror).
Iginiit ng NPC, ang kagawaran ng katarungan ang kinakatawan ni Sec. Gonzales kaya dapat una siyang nagsusulong ng karapatan ng indibidwal.
Nagalit si Gonzales dahil hindi sinasadyang mai-record ng mga reporters ang pag-uusap nina Gonzales at State Prosecutor Dennis Villa-Ignacio tungkol kay Atong Ang.
Nailathala ni Canlas ang nasabing pag-uusap na ikinagalit ng DOJ chief kaya iniutos ang pagbabawal dito na makapasok sa kanyang tanggapan. (Gemma Amargo-Garcia)