Ayon kay Rep. Marcos, nagsasanay sa isang tagong training camp sa Central Luzon ang tinaguriang black army ni PGMA.
Naniniwala si Marcos na ang sinasabing shipment ng mga armas na namataan sa ilang lugar sa Ilocos region ay para sa black army ni Mrs. Arroyo.
Wika pa ng lady solon, dating mga pulis at militar ang nagsasanay sa mga miyembro ng black army kung saan ay nagre-recruit din ng mga foreign mercenaries makaraang aminin ni Cambodian Prime Minister Sen na nagsusuplay sila ng armas sa Pilipinas.
Magugunita na sinabi ni dating US charge daffaires Joseph Mussomeli na isang civilian group ang binubuo para protektahan si Mrs. Arroyo sakaling magkaroon ng kudeta. (MRongalerios)