DAR umaasang marami ang gagaya kay Ledesma
Umaasa si Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Nasser Pangandaman na marami pang mga may-ari ng lupain sa Negros Occidental ang gagaya kay dating Congressman Jules Ledesma na boluntaryong ipinalagay ang 450 ektaryang lupain ng kanyang pamilya sa San Carlos City sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Sinabi ni Pangandaman na ang hakbang ay nagbukas sa mga mata sa ibang may-ari ng lupain na nararapat na ibenta rin nila ang kanilang mga lupain para sa kapakanan ng repormang pansakahan, ang panulukan ng programa sa pagpapaunlad ng kanayunan ng gobyerno. Dapat anyang tularan ang pamilya ni Ledesma dahil ipinakita nilang kahit ang kanilang lupain ay dalawang beses ng na-exempt sa programa ay boluntaryo nilang inialok ito sa CARP. Dapat ginamit ito sa pagtatayo ng isang ethanol plant. (Angie dela Cruz)