Inihayag ito ni US Charge d Affaires Paul Jones nang magbigay galang siya sa Pangulo sa Malacañang sa una nilang pagkikita mula nang dumating siya sa bansa para gampanan ang kanyang puwesto.
Kasama ni Jones sa pagbisita sa Palasyo sina Henry Crumpton, ambassador at coordinator for counter terrorism, Paul O Firel, hepe ng political section ng US Embassy at Bruce Stewart, councelor for regional affairs.
Sa kanyang panig, pinuri ni Crumpton si Pangulong Arroyo sa aktibo nitong pagsusulong sa kampanya laban sa terorismo hindi lang sa bansa kundi sa buong rehiyon ng Southeast Asia.
Pinasalamatan naman ng Pangulo ang patuloy na suporta na ibinibigay ng US sa kanyang administrasyon at sa kanyang hakbanging ginagawa para malabanan ang terorismo.
Sinabi ng Presidente na isinusulong ng kanyang gobyerno ang pagpapatibay ng isang batas kontra sa terorismo at isa ito sa mga prayoridad na panukalang batas na sinertipikahan niya para mapagtibay ng Kongreso bukod sa mga repormang pangkabuhayan. (Lilia Tolentino)