Sa resolusyon ng Korte, sinopla nito ang petisyuner na si Jonathan Tiongco, ang nagpakilalang digital audio engineer, sa pagsasabing premature ang reklamo at hindi rin pinapayagan ng batas ang kahilingan na mapawalang-saysay ang warrant of arrest kay Garcillano.
Nilinaw pa ng high tribunal na hindi sila maaaring makialam sa Kongreso sa prinsipyo ng pantay na kapangyarihan ng hudikatura sa lehislatura lalot wala namang nakitang pag-abuso ang Kongreso.
Ibinasura din ang apela ni Tiongco na humihiling na patigilin ang Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) sa pamumudmod ng "Hello Garci" tapes at pag-aalis sa website ng nasabing recordings. (Ludy Bermudo)