Sinabi ni Sen. Villar, chairman ng senate committee on public order and illegal drugs, maging ang United Nations (UN) ay walang depenisyon ukol sa terorismo.
Hindi tulad ng ibang panukalang batas na kailangang ilagay ang definition ng terminong ginagamit sa kopya ng bill, minabuti ni Villar na gawing blangko ito at pagtuunan ng pansin ang mga krimeng ipapasok sa panukalang ito.
Kasabay nito, magpapatawag ng caucus ang mambabatas upang malaman ang pulso ng mga senador sa naturang kontrobersyal na panukala.
Aniya, ipapasok na lamang niya sa plenary deliberation ang naturang panukala at bahala na si Senate President Franklin Drilon na magpatawag ng caucus para makuha ang pulso dito ng Senado.
Kabilang sa pagdedebatihan dito ay ang pagpapahintulot ng warrantless arrest at wiretapping sa mga pinaghihinalaang terorista.
May pangamba naman ang oposisyon na baka gamitin ito ng administrasyon upang gipitin ang mga personalidad na kumokontra sa Arroyo government. (Rudy Andal)