Ayon kay Capt. Ephraim Suyom, public information officer ng Phil. Air Force Defense Wing sa Basa Air Base, handa na nilang ibalik sa United States Military ang nabanggit na mga eroplano kasama na ang mga kaukulang dokumento nito.
Ang nabanggit na mga fighter plane ay napasakamay ng Pilipinas sa ilalim ng RP-US Joint Defense Agreement.
Gayunman, papalitan ang mga ito ng limang S2 11 na ayon kay Suyom ay may mababang speed na ginagamit sa kampanya laban sa mga rebeldeng MILF, MNLF, Abu Sayyaf at iba pang criminal elements sa mga remote areas sa Mindanao.
Ang mga sasakyang ito ay gagamitin din sa pagbabantay sa Kalayaan Group of Islands at Economic Zones sa bansa. (Angie dela Cruz)