Virgin coconut oil nasa kapsula na

Inilabas ng Grownrich Food Manufacturing ang isang uri ng food supplement na gawa sa virgin coconut oil na kakaiba sa mga napakarami sa mga nauna ng inilabas ng ibang manufacturer dahil gawa ito sa kapsula.

Ayon kay Dr. Sonny Villoria, Director ng Grownrich Food Manufacturing, ang kanilang food supplement ay tinawag nilang Grownrich Virgin Coconut Oil 500 mg. capsule, ang kauna-unahang capsule form na gawa sa coconut oil na inaprubahan ng Bureau of Food and Drug (BFAD).

Dagdag pa ni Villoria na kakaiba ang kanilang produkto kumpara sa ibang virgin coconut oil dahil sila ay gawa sa capsule hindi katulad ng iba na gawa sa liquid form.

Ayon pa kay Villoria, mas matagal pa ang self life ng nasabing kapsula dahil tumatagal ito ng 2 taon bago mag-expired kumpara sa mga gawa sa liquid na 1 taon lang.

Ang Grownrich Virgin Coconut Oil 500 ay nagkakahalaga lamang ng P7 bawat isa at ibinebenta sa lahat ng malalaking drugstore. Para sa detalye, tumawag o mag-text sa cell nos. 09272040480/09189015154. (EBalasa)

Show comments