Ang nasabing pagong ay natiyempuhan ng ilang concerned citizen habang nilalaro ng mga kabataang taga-barangay Pag-asa, Quezon City sa gilid ng North Avenue, tapat ng Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWD) noong nakaraang linggo.
Ang pagong ay ikinukonsiderang kabilang sa mga endangered species, ayon na rin kay DENR Sec. Michael Defensor.
Inamin ng mga kabataan na galing sa PAWD ang pagong na hindi na nila tinangkang isaoli dahil sa takot na baka silay pagbintangang nagnakaw nito at minabuting lumapit sa mga mamamahayag.
Sa panayam, sinabi naman ni Stephen Toledo, officer-in-charge ng Wildlife Rescue Center (WRC) ng PAWD na hindi pa sila nagsasagawa ng imbentaryo sa kanilang mga endangered species para makatiyak na may nakawala sa kanilang hawla.
Sa ngayon aniya, umaabot lamang sa 143 ang inaalagaan nilang pagong sa WRC, hindi kabilang ang 115 pa na nasa Butterfly House ng PAWD. (Angie dela Cruz)