Ayon kay Loren, maaaring pananabotahe sa kanyang election protest laban kay VP Noli de Castro ang motibo sa insidente na inireport ni Cebu provincial election officer Edwin Cadungog.
"This is shameless, and only God knows what other operations have been carried our and are being effected as I speak to cover up the massive fraud in the 2004 elections," ani Loren.
Lubhang nakakabahala ang insidente, ayon sa mga abogado ni Loren dahil ang Cebu ay kasama sa mga area na tinukoy ni Loren sa kanyang protesta kung saan naging malawakan ang dayaan. Sa Cebu rin "ipinoste" ni de Castro ang kanyang pinakamalaking vote margin.
Kaugnay nito kaya pinaiimbestigahan ni Legarda ang municipal treasurer ng Tabogon na si Edna Carla Arbuyes na siyang nag-authorize ng paglilipat ng mga ballot box mula sa kanyang opisina tungo sa Public Service Office.
Pinuna rin ni Loren ang atrasadong pagkakareport sa pagkawala ng 350 sa 360 padlock ng mga lumang ballot boxes at 303 ng kabuuang 390 padlock para sa mga bagong ballot boxes na ginamit sa Tabogon.
Mismong ang PET ang nag-inform kay Loren sa breach of security na nangyari, na lalo pang nagbigay rason para pasimulan na ng PET ang recount at retabulation ng boto. Si Loren ay nakapagdeposito na ng P4 milyon sa PET para sa recount.