Ayon sa impormante, walang gustong bumangga sa Philippine Aviation and Security Service Corp. (Passcor) pagdating sa mga bidding sa Mactan-Cebu airport, ito ang dahilan kung kaya nagsiatrasan ang tatlong kuwalipikadong bidders para sa P12-milyong kontrata kada taon para sa may 95 sekyus na siyang madaragdag sa hanay ng security personnel sa nasabing airport.
Ayon pa sa source na humiling ng anonymity, si MCIA General Manager Adelberto Yap umano kasi mismo ang chairman ng Passcor na siyang kumokopo sa mga kontrata sa paliparan, hindi lamang sa Cebu kundi maging sa ibang mga paliparan sa buong bansa.
Ang MCIA na pinamumunuan ni Yap ang nag-conduct ng bidding kung saan ang sarili niyang kumpanyang Passcor ang inanunsyo niyang nanalo.