Ang dating singer at ang asawa nitong si Moises de Guzman, tumatayong presidente at bise presidente ng Philippine Corinthian Liner Corporation ay ipinagharap ng kaso dahil sa pagkabigo ng mga ito na mairehistro ang kanilang negosyo sa BIR noong 1997 at makapagbayad ng buwis sa pinatatakbong negosyo at kumpanya. Nadiskubre ng BIR na hindi nakapagbayad ng buwis ang nasabing kumpanya ng umaabot sa P78.4 milyon sa taong 2002 at 2004.
Lumalabas na wala ring Tax Identification Number (TIN) ang nasabing kumpanya dahil ang personal TIN ni Claire ang kanilang ginagamit. May mga kinita ang nasabing kumpanya na hindi nito kinaltasan ng buwis at hindi isinumite sa BIR simula noong 1997-2004. (Grace dela Cruz/Angie dela Cruz)