P3.2M prizes at stake sa ‘Octoberfest Bingo’

Mahigit sa P3.2 milyong cash prizes ang mapapanalunan sa "Octoberfest Bingo Bash" sa October 9, 2005. Ang event ay gagawin sa World Trade Center sa Pasay City mula alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi. Dalawa ang magwawagi ng P1 million jackpots habang libong consolation prizes naman ang naghihintay na ipamimigay.

Ang Octoberfest Bingo Bash ay joint project ng Philippine Amusement and Gaming Corporation’s (Pagcor’s) Casino Filipino Pavilion at Philippine Military Academy Alumni Association, Inc. Ang kikitain ay mapupunta sa iba’t ibang charitable at socio-civic projects ng PMAAAI.

Ang ticket price ay P1,500 kasama na dito ang 10 games sa Bingo. Para sa ticket reservation, tumawag sa 523-3127/523-8691.

Show comments