Napag-alaman na may mga kontrata ng konstruksiyon na umanoy inaprubahan ni Fernando na ikinalugi ng pamahalaan ng milyun-milyong piso. Pinuna rin ang umanoy pagbabayad nito ng mga consultant sa Marikina City na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso na kaya naman daw trabahuhin ng City Engineering Department.
Kabilang sa mga anomalyang iniuugnay kay BF na ikinalugi umano ng pamahalaang lokal ng Marikina at national government ay mga housing projects at konstruksiyon ng paaralan sa naturang lungsod. Kinuwestiyon ang mga "deformed bars" na sinasabing binili ng P5 milyon na bukod sa dispalinghado ay overpriced. Pati Special Education Fund para sa mga mag-aaral ay pinakialaman din umano para sa ibang purpose.