Batay ito sa inilusad ng Department of Education (DepEd) na proyektong DETxt 2662 sa pakikipagtulungan ng Smart at Globe telecom.
Sa nasabing programa ay dapat mag-subscribed ang isang estudyante sa 2662 kung gusto nilang makatanggap ng announcement kung may pasok o wala sa araw na masama ang panahon o may biglang idineklarang holiday.
Sinabi naman ng DepEd, malaking tulong umano sa mga estudyante ito dahil na rin sa pabago-bagong desisyon kung may pasok o wala sa mga paaralan.
Siniguro naman ng kinatawan ng Globe telecom na hindi sila mang-aabuso sa mga subscriber dahil tanging mahalagang announcement lamang ang kanilang ipapadala sa mga ito.
"The DepEd will maintain the system so it is rest assured that it would not be used in other purpose," wika pa ng kinatawan ng Globe.
Sinabi naman ni Education Undersecretary for regional operations Ramon Bacani na sisikapin nilang makapagpadala ng no classes information bago sumapit ang alas-4:30 ng madaling araw. (Ulat ni Edwin Balasa)