Sinabi ni Mar Gavida, pangulo ng PISTON, isa-isa nilang kakalampagin ang mga opisina ng Pilipinas Shell, Caltex Philippines at Petron upang ipahayag ang kanilang matinding pagtutol sa walang tigil na oil price hike.
Magtitipon-tipon sila sa Quezon City ngayong alas-9 ng umaga at saka didiretso sa Makati sa alas-11 ng umaga sakay ng mahigit 10 pampasaherong dyip.
Ayon pa kay Garvida, ito ay bilang paghahanda na rin ng grupo sa nakaambang nationwide transport strike sa ikalawang linggo ng Setyembre.
Magugunitnmg hindi na makahihirit pa ng panibagong dagdag sa singil sa pasahe ang mga pampasaherong sasakyan matapos na ipagkaloob ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang kahilingan para sa dagdag na pasahe kamakailan.
Nangangamba ang mga transport groups na muling magtataas ang presyo ng gasolina kapag naipatupad na ang EVAT matapos na ideklara itong legal ng Korte Suprema.
Bunga nito, sinabi ng PISTON na lalong tataas ang kanilang gastusin ngunit ito ay hindi naman nila maipapasa sa mga pasahero. (Anna Sanchez/Edwin Balasa)