Sa sulat na ipinadala ni Rep. Vargas kay Senate President Franklin Drilon na pangulo din ng LP, sinabi nitong kaya siya sumapi sa LP ay dahil sa platform of governance at magandang reputasyon ng partido sa publiko.
Aniya, nahati ang LP dahil sa kasalukuyang krisis pulitikal partikular ang impeachment complaint kung saan ay nagkaroon ng party stand na suportahan ito.
Wika pa ni Vargas, mas pabor siyang manatili si Pangulong Arroyo at umiral ang status quo kaya napilitan na lamang siyang umalis sa partido.
Ayon sa isang source, na-pressure umano si Vargas dahil palagi daw itong tinatawagan ni Sen. Drilon upang suportahan ang impeachment complaint laban kay PGMA. (Ulat ni Malou Rongalerios)