Ayon kay Romulo, ang nasawing si Federico Samson, 50, tubong Olongapo City ay 4 na buwan pa lamang nagtatrabaho bilang communications rigger ng Lucent Technologies, isang US electronic firm, na nakabase sa Baghdad.
Sinabi ni Romulo na nananatili ang ban sa deployment ng OFWs sa Iraq dahil sa matinding karahasan doon kaya nagtataka ito kung paanong nakalusot si Samson.
Personal na pinangangasiwaan ngayon ni Charge de Affaires Eric Endaya ang repatriation ng labi ni Samson.
Nakausap din ni Endaya ang dalawang Pinoy na nasugatan sa insidente at nakilalang sina Pedro Galila at Roderick Tayo. Sa kabila ng pangyayari, wala umanong plano si Tayo na umuwi sa bansa.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng DOLE at OWWA na maibibigay ang insurance at death benefits sa pamilya ni Samson. (Ulat ni Ellen Fernando)