Sa ikatlong araw ng pagdinig sa impeachment complaint, hiniling ni House Minority Leader Francis Escudero sa House committee on justice sa CIDG na magpaliwanag sa isinasagawa nitong pagsalakay.
Inamin ng oposisyon na isa si Tabayoyong sa tumutulong sa kanila at nagtatago ng ebidensiya para mapalakas ang impeachment complaint.
Hawak din umano ni Tabayoyong na isa ring handwriting expert na nauna ng nagpatunay na iisa ang pirma nina Jose Pidal at First Gentleman Mike Arroyo, ang mga dokumento kay Pidal. Kabilang sa mga nakuha sa bahay ni Tabayoyong ang ilang election returns na magpapatunay na nagkaroon ng dayaan sa Mindanao.
Kung pagbabasehan aniya ang raid na isinagawa ng CIDG, lumalabas na walang proteksiyong makukuha ang pro-impeachment team mula sa gobyerno.
Nais ni Escudero na linawin ng CIDG kung ano ang naging batayan sa raid at kung mayroong warrant of arrest sa pagsasagawa nito. (Ulat ni Malou Rongalerios)