Sa resolusyon ng Clark Investors and Locators Association Inc., naniniwala ang mga negosyante na malaki ang maitutulong ng Northrail project upang mapabilis ang transportasyon at pag-unlad ng Gitnang Luzon.
Sinuportahan din ng mga alkalde sa Pampanga sa pangunguna ni Pampanga Mayors League spokesman Candaba Mayor Jerry Pe-layo ang proyektong ito dahil bukod sa magiging mura at mabilis ang transportasyon ng kanilang mga kababayan pauwi ng Pampanga ay magiging mabilis din ang takbo ng pagnenegosyo dito.
Sinabi naman ni Northrail president Jose Cortes Jr., bukod sa mura ang magiging pamasahe sa tren mula sa Caloocan City hang- gang sa Malolos, Bulacan hanggang sa Clarkfield, Pampanga ay magiging mabilis din ang kanilang biyahe.
Wika pa ni Mr. Cortes, handa siyang ipagtanggol ang Northrail sa sandaling umabot sa impeachment court ang isinampang impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo kung saan ay kabilang sa kinukuwestyon ang nasabing proyekto.
Aniya, walang anomalya ito at above-board ang government to government na transactions na ito. (Ulat ni Rudy Andal)