Bandang alas-4:18 ng hapon kahapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sinasakyan ng Unang Ginoo na Cathay Pacific flight-919 mula Hong Kong. Siya ay sinalubong ng kanyang anak na si Datu at kapatid na si Rep. Iggy Arroyo.
Ayon sa tagapagsalita ng First Gentleman na si Atty. Jesus Santos, umaasa si Ginoong Arroyo na bibigyan siya at ang kanyang pamilya ng sapat na panahon at pagkakataon ng taumbayan upang maipadama nila ang kanilang kalungkutan sa pagpanaw ng kanyang half-sister.
Nanawagan din ang Unang Ginoo sa publiko na ipagdasal ang kaluluwa ng kanyang kapatid at nagpasalamat din ito sa mga nagbigay ng kanilang suporta at pakikiramay.
Si Ginang Llora,71, ay pumanaw noong Sabado dahil sa matagal nang karamdaman sa puso.
Ang Unang Ginoo ay umalis sa bansa noong Hulyo 6 sa sariling kapasyahan nito upang dumistansya sa mga iskandalong pampulitika bilang sakripisyo para sa kanyang kabiyak na si Pang. Arroyo. (EFernando/B Quejada)