Sa impormasyong nakalap ni Immigration Commissioner Alipio Fernandez,Jr., nakilala ang dalawang dayuhan na sina Yadvinder Singh, 25, may hawak ng passport #E8301567 at Kumar Deepak, 22, may hawak ng passport #B5575277.
Nabunyag sa BI confidential report na sina Yadvinder at Kumar ay dumating sa bansa dakong alas-7:30 ng gabi nitong Martes lulan ng Thai Airways flight TG-624 mula Bangkok. Naharang ng mga naka-alertong awtoridad sa BI-NAIA ang dalawang pasahero makaraang masuri na ang mga hawak na visa na nakadikit sa mga pasaporte ay pawang huwad kung kaya itinakda ang pagpapabalik sa kanila sa bansang pinagmulan.
Ngunit sa hindi malamang dahilan, sina Yadvinder at Kumar ay nagawang makapuslit papasok ng bansa na batay sa pagsisiyasat ay kinuha umano ng isang lady Immigration officer mula sa airline security ang dalawang Bombay habang patungo sa boarding gate.
Sa impormasyong nakalap sa tanggapan ni Atty. Henry Tubban, BI-NAIA over-all head supervisor, ang mga pangalan ng dalawang Indian national ay hindi umano na-encode sa arrival computer data bank kung kayat nabuo ang hinala na posible umanong nakapasok ang mga ito sa tulong ng hindi pa nakikilalang lady Immigration officer.
Dahil dito, naniniwala ang awtoridad na ang insidente ay maituturing na "isolated case" para sa personal na pakinabang at ang suspect na may kagagawan nito ay hindi inalintana nito ang buong bureau sa malaking gulo. (Butch Quejada)