Sinabi ni Teves na nasasayang lamang ang oras sa hidwaang nagaganap sa pagitan ng dalawang kapulungan at matatapos lamang ito kung idaraos ang plebisito kasabay ang barangay elections sa Oktubre 24, 2005.
Noon pang nakaraang 12th Congress inihain sa Mababang Kapulungan ang isang House resolution na naglalayong magdaos ng plebisito para sa pagbabago ng Saligang Batas.
Hindi naaprubahan ang nasabing resolusyon dahil sa teknikalidad na baka malito ang mga botante sa paghalal ng mga kandidato lalo na sa presidente at sa pagsasabi kung ano ang dapat baguhin sa Konstitusyon.
Makakatipid din aniya ang gobyerno kung isasabay sa barangay elections ang plebisito para sa Chacha. (Ulat ni Malou Rongalerios)