"Im so sorry about what happened. I got mad at him (Sec. Gonzales) about this. Is there anything we can do to repair the situation," wika pa ni Pangulong Arroyo kay Kris.
Sinabi naman ni Kris sa Pangulo, wala itong maririnig tungkol sa pulitika mula sa kanya dahil kasama siya ni PGMA sa pangangampanya noong nakaraang eleksyon.
Ayon kay Kris, anim na ulit humingi ng paumanhin sa kanya ang Pangulo matapos ang kanyang pagsasalita sa kanilang programang The Buzz kung saan ay napaluha siya.
Magugunita na nagpatutsada si Sec. Gonzales kay dating Pangulong Aquino na huwag ng makialam sa takbo ng pulitika sa bansa bagkus ay asikasuhin na lamang ang problema ng anak na si Kris.
Samantala, pinabulaanan naman ng Palasyo na ang pagbibitiw ni Communications Director Silvestre Afable ay may kinalaman sa umanoy pagbabalik sa Palasyo ni ADB alternate executive director Marita "May-May" Jimenez.
Wika ni Sec. Ignacio Bunye, gusto lamang mag-concentrate ni Sec. Afable sa pagiging chief negotiator sa peace talks sa MILF. (Ulat ni Lilia Tolentino)