Matapos ang 45-minuto ng deliberasyon, inatasan ng SC ang kampo ni de Castro at dating Sen. Loren Legarda na tukuyin at kilalanin na ang kanilang mga gagamiting testigo kasama ang mga documentary evidences hinggil sa naturang election protest.
Inatasan din ni Chief Justice Hilario Davide ang magkabilang kampo na maghain ng kanilang mga preliminary conference brief na maglalaman ng kanilang mga proposal o guidelines kaugnay sa retrieval, identification at collection ng mga balota sa Kongreso at delegasyon ng mga ballot proper sa Cebu, Pampanga at Maguindanao.
Samantala, ipinanukala ni Atty. Sixto Brillantes, abogado ni Legarda, na madaliin ang retrieval ng mga balota sa Kongreso at naniniwala ang oposisyon na sa loob ng isa o dalawang araw ay posible itong mangyari.
Ngunit tinutulan naman ito ni Atty. Romeo Macalintal kung saan bago umano ito mangyari ay dapat munang matukoy kung magkano ang magiging bayarin sa ilang revisor at kung ilang komite ang itatalaga kung saan ay dinagdag din niya na kinakailangang magbayad ng P700 kada indibidwal na gagamitin sa revision.
Subalit ipinaliwanag naman ni Brillantes na wala ng problema sa nasabing isyu dahil nagtakda na ng P100 ang PET sa bawat indibidwal. (Ulat ni Grace dela Cruz)