Sinabi ni Sen. Drilon, pangulo ng Liberal Party (LP), dapat palitan ng mga bago at impartial officers ang mga commander ng militar at pulisya sa ARMM upang masiguro na maayos at hindi pagdududahan ang magiging resulta ng eleksiyon dito na idaraos sa Agosto 8.
Nais papalitan ni Drilon sina B/Gen. Agustin Dimaala, commanding general ng 6th Infantry Division; Col. Jerry Jalandoni, commanding officer ng 603rd brigade ng Phil. Army; Sr. Supt. Mediro Mambatao, Maguindanao provincial PNP director at Sr. Supt. Hamerodin Hamdag, Lanao del Sur provincial director ng PNP.
Ayon kay Drilon, nagreklamo sa kanya ang mga kandidato ng LP para gobernador na si Datu Ibrahim "Toto" Paglas at runningmate nitong si Hatta Dimaporo sa ARMM hinggil sa pagkakaroon ng kinikilingan ng nasabing military at police officials.
Pinalilinis din kay Abalos ang Comelec dito, partikular ang mga opisyal at empleyado na may kaanak na kandidato bukod sa mga opisyal na lantarang may kinikilingang kandidato. (Ulat ni Rudy Andal)