"Ang ating kaibigang si Raul ay nagpapagarapata sa Malacañang para lamang makumpirma ng CA," ani Saguisag matapos mapaulat na kinasuhan ng DOJ si Wilfredo Mayor, ang surprise witness sa imbestigasyon ng jueteng sa Senado na binigyan ng Constitutional immunity mula sa anumang kaso.
Naniniwala si Saguisag na ang mga naunang pahayag ni Gonzalez ay magiging dahilan upang matakot ang iba pang testigo na nais magbunyag ng kanilang nalalaman sa jueteng payola.
Sinabi ni Saguisag na hindi maaaring magsampa ng libel case laban kay Mayor ang mga gustong maghiganti laban sa kanya matapos madawit ang mga pangalan nila sa operasyon ng jueteng. "You cant question him in other venue, they can only lodge their complaint in the Senate hearing that is guaranteed under our Constitution," ani Saguisag.
Pero pinayuhan ni Saguisag ang Senado na huwag payagan ang mga testigo sa kanilang pagbubunyag kung wala namang matibay na ebidensiya.
Anang kalihim, walang rason upang siya ay magbitiw at tanging si Pangulong Arroyo lamang ang maaaring makapagpahinto sa kanyang ginagawang imbestigasyon sa nasabing illegal gambling.