Ito ay batay sa isinagawang pag-aaral ng Ibon Foundation hinggil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng langis, pangunahing bilihin at serbisyo.
Alinsunod sa pag-aaral ng naturang grupo, noong 2004 ang purchasing power ng P1 ay katumbas pa ng .85 sentimos pero napakabilis ng pagbaba ng purchase power ng piso simula pa noong 2000.
Nangangamba rin ang Ibon Foundation Inc. na patuloy na bababa ang halaga ng P1 matapos na lagdaan ni Pangulong Arroyo ang Value Added Tax Bill.
Nalaman na ang kuryente ay nakatakda pang tumaas ng .80 sentimos kada kilowatt hour dahil sa VAT.
Hinimok ng Ibon ang administrasyong Arroyo na magpatupad ng price control at isulong ang legislated across-the-board wage increase para sa kapakanan ng milyong maliliit na mamamayan. (Ulat ni Angie dela Cruz)