Ayon kay CHR spokesman Ed Diansuy, malinaw na nakasaad sa Constitution na mayroog "right to information, communication and religion ang bawat Filipino. At sakali mang mapatunayan na nilabag ng kautusan na ipinalabas ng MTRCB ang mga nakasaad sa Konstitusyon ay malinaw na paglabag ito sa karapatang pantao.
Ito ang naging reaksiyon ng CHR, makaraang magreklamo sa Ombudsman ang Church of God Ministry na pinamumunuan ni Bro. Eli bilang presiding minister.
Base sa reklamo ni Bro. Eli, nagpalabas ng kautusan ang MTRCB na nagbabawal na i-air/broadcast ang kanilang mga programa na Ang Dating Daan, Ex-Man, Itanong Mo kay Soriano at Ang Biblia matapos tawaging Iglesia ni Manalo ang Iglesia ni Cristo (INC). Ipinagbabawal din ng nasabing kautusan na mag-painterview at lumabas sa TV si Soriano at ilan pa nitong mga kapanalig. Iginiit ni Soriano na sinikil ng MTRCB ang kanilang kalayaan sa pamamahayag dahil na rin sa suspension na inilabas nito na siyang naging dahilan upang kasuhan si MTRCB Chair Consoliza Laguardia at mga miyembro ng Adjudication Board. (Ulat ni Doris Franche)