Ayon kay Recto, tinatawagan niya ng pansin ang CHED para ilabas ang listahan ng mga paaralang sinasabing mahina pagdating sa mga napo-produce na graduates.
Ito ay upang malaman ng taumbayan kung anu-anong eskuwelahan ba talaga ang dapat pasukan ng mga estudyanteng may kanya-kanyang pangarap sa buhay.
Napapansin ni Recto na karamihan sa mga eskuwelahan ngayon ay nanghihikayat lamang sa ganda ng kanilang anunsiyo sa diyaryo at telebisyon, ngunit mahina naman pala pagdating sa tunay na itinuturo nilang akademya. Sa ilalim ng patakaran ng CHED, ang anumang eskuwelahan na ang passing rate ay mababa sa limang porsiyentong pumapasa sa licensure exams, dapat ay hindi na sila tumanggap pa ng enrollees para sa naturang kurso. (Rudy Andal)