Layunin ng panukalang inihain nina Akbayan Reps. Loretta Ann Rosales, Mario Aguja at Ana Hontiveros-Baraquel na amyendahan ang Sec. 261 ng BP 881 o Omnibus Election Code kung saan isasama sa listahan ng mga ipinagbabawal tuwing eleksyon ang pagbebenta ng PTC.
Sinabi ng mga mambabatas na nakagawian na ng mga armadong grupo partikular ng New Peoples Army (NPA), Communist Party of the Philippines (CCP) at National Democratic Front (NDF) na manghingi ng pera at iba pang bagay sa mga kandidato para makapangampanya sa kanilang teritoryo kapalit ng PTC.
Ang ganitong kagawian ay taliwas anila sa prinsipyo at konsepto ng free elections na kabahagi ng democratic process.
Inaalis din ng mga naturang grupo ang karapatan at kalayaan ng sinumang indibidwal at political parties o organizations na makapangampanya saan mang sulok ng bansa para ipakilala ang kanilang plataporma at programa de gobyerno.
Sinabi naman ni dating Rep. Antonio Nachura na gawing hiwalay ang PTC sa kaso ng extortion dahil mas masama at malisyoso ang PTC.
Sinuportahan ng Comelec at Commission on Human Rights ang panukala. (Ulat ni Malou Rongalerios)