Ayon kay Navy Chief Vice Admiral Ernesto de Leon, ang pagtitipid ay bahagi ng ipinatutupad na austerity measure ng pamahalaan kung saan ang natipid na pondo ay ilalaan na lamang sa mga operasyon ng mga units ng hukbong dagat ng bansa.
Sa nasabing okasyon ay tumanggap ng parangal ang 7 sundalo, dalawang operating units, isang Naval ROTC unit, hinirang ang BRP Bagobo (AT293) bilang pinakamahusay sa mga barko ng PN at tatlong sibilyan rin na kumatawan sa kanilang mga organisasyon.
Kabilang sa mga organisasyon na pinagkalooban ng parangal ng Phil. Navy ay ang ABS-CBN Foundation sa pagsuporta sa hukbo sa pagkilala sa kabayanihan at sakripisyo ng mga kasapi ng nasabing unit ng militar. (Ulat ni Joy Cantos)