Political will giit kay GMA ng mediamen

Hindi solusyon ang paglalaan lamang ng pondo para sa Press Freedom Fund para malutas ang pagtaas ng bilang ng mga pinapaslang na mamamahayag sa bansa kundi ang kailangan ay ‘political will’ ni Pangulong Arroyo para malutas ito.

Sinabi ni Inday Varona, pangulo ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), ang pagbibigay ng pondo ay isa lamang hakbang upang malutas ang nagaganap na krisis ng press freedom sa bansa.

Inamin din ni Pangulong Arroyo na nakakaalarma na ang pagtaas ng bilang ng mga mediamen na pinapaslang sa bansa.

Patuloy ang pangangalap ng gobyerno upang madagdagan ang Press Freedom Fund para sa proteksyon naman ng pamilya ng bawat mediamen na biktima ng karahasan kung saan ay umabot na ito sa P5 milyon.

Sinabi naman ni House Speaker Jose de Venecia, malaking tulong ang reward system para malutas ang krimen partikular sa pamamaslang sa mga mamamahayag.

Bukod dito, maglalaan din ng pondo ang Department of Justice (DOJ) para sa mga testigo na lulutang para sa kanilang proteksyon. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments