Sex life ni Erap buhay na naman

Aktibo na namang muli ang sex life ni dating Pangulong Estrada matapos siguruhin kahapon ng surgeon niyang si Dr. Christopher Mow na balik na sa normal na pamumuhay ang kanyang pasyente at kasama dito ang sex.

Katulad ng iba pa niyang pasyente, isa sa mga itinanong sa kanya ni Estrada ay kung maaari pa siyang makipag-sex matapos lagyan ng titanium caps ang kanyang dalawang tuhod.

"Most patients ask me about that. That came up in the discussion. I advise Estrada to return to his normal life and he could have sex after three months," ani Mow.

Ito ang ikalawang pagkakataon na bumisita sa bansa si Mow upang tingnan ang progreso ni Estrada.

Pinayuhan din ni Mow si Estrada na maglakad sa kanyang 15 ektaryang villa sa Tanay upang mapraktis ang kanyang ‘bionic knee’.

Nalampasan na ni Estrada ang ‘time frame’ na maaari siyang magkaroon ng infections sa kanyang recovery period. Babalik sa bansa si Mow sa Hunyo para sa routinary six-month check-up sa napatalsik na lider. (Ulat ni Malou Rongalerios)

Show comments