Probe vs fire official pinamamadali

Dapat umanong madaliin ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection ang imbestigasyon laban sa mga dating opisyal ng Manila Fire Dept. upang agad na mapatawan ng kaukulang parusa.

Ito ang binigyang diin sa sulat ni Eric Cochingyan, ng Binondo, Maynila kay Pangulong Arroyo matapos na masuspinde ang mga opisyal na sina Supt. Pablito Cordeta, Chief Insp. Wilfredo Balinas at SFO4 Edgardo Lazarte ng MFD dahil sa umano’y pag-iisyu ng maling Fire Safety Inspection Certificate (FSIC).

Una nang kinasuhan ang mga ito ng administrative case na Gross Neglect of Duty sa Internal Affairs Services ng BFP.

Sinabi ni Conchingyan na nakasisira umano sa pamunuan ng BFP ang mga umano’y katiwaliang ginagawa ng mga naturang opisyal.

Ipinaliwanag ni Conchingyan, hindi totoo ang mga nakadeklarang safety measure sa mga gusali na umano’y iniinspeksiyon ng mga nasabing fire official. Nalalaman na lamang ito kung aktuwal na ang nagaganap na sunog.

Show comments