Ayon kay Villar, kadalasan ay nalalagay sa peligro ang kinabukasan ng mga anak ng mga sundalo at pulis dahil sa pagsuong ng kanilang mga magulang sa pang-araw-araw na panganib. Tungkulin ng gobyerno na pangalagaan ang mga batang ito anuman ang sapiting di maganda ng kanilang mga magulang sa pagganap sa kanilang tungkulin.
Kaugnay nito ipinanukala si Villar ang Senate Bill 745 na magkaloob ng educational benefits sa mga batang supling ng mga kagawad ng AFP at PNP na mapapatay ng mga rebelde o mapapaslang habang gumaganap sa kanilang tungkulin.
"Kakarampot lang ang suweldo ng mga pulis at sundalo kaya ang mabigyan ng tulong sa pag-aaral ang kanilang mga anak kapag may nangyaring trahedya sa kanilang pamilya ay malaking tulong na sa kanilang pamilya," dagdag pa ni Villar, presidente ng Nacionalista Party.
Sakop sa panukala ang mga batang naulila bago pa man maging batas ang Senate Bill 745 at iba pang anak na hindi pa nakapagtapos ng high school.
Bibigyan ang mga ito ng pera para sa libro, pamasahe, damit at allowance. (Ulat ni Rudy Andal)