Ayon kay Candaba, Pampanga Mayor Jerry Pelayo, ikinagulat nilang mga alkalde ng 4th district ng Pampanga ang naging katuwiran ni dir. Aquino na kinakailangan muna niyang magpaalam kay 4th district Rep. Ana York Bondoc dahil ayaw daw niyang "maipit".
Napag-alaman na iginigiit ni Rep. Bondoc na siya ang dapat mamahala sa nasabing pondong ipinalabas ng NDCC dahil siya raw ang humingi nito sa Palasyo gayung inisyatiba ng mga alkalde ng 4th district na apektado ng pagkasira ng Arnedo dike ang paglapit kay Pangulong Arroyo at hindi nagpakita ng concern ang kongresista ng maganap ang pagbaha dito.
Wika pa Mayor Pelayo, ang miyembro ng municipal at provincial disaster council ang dapat mamahala sa pondong ipinalabas ng NDCC at hindi ang kongresista dahil hindi naman niya trabaho ito.
Ikinagalit ng mga local officials nang hayaan ni Aquino ang kongresista na makialam sa nasabing pondo na walang koordinasyon sa mga alkalde na tahasang paglabag sa local government code. (Ulat ni Rudy Andal)