Inamin ni Akbayan Rep. Ana Hontiveros-Baraquel na halos lahat ng miyembro ng komite ay pabor na maging isang ganap na batas ang panukala bagaman at may ilang non-government groups ang tumututol dito.
Posible aniyang mahirapan ang mga pulis na ipatupad ang panukala sa sandaling maging isang ganap na batas kung hindi malilinaw ang ilang ibig sabihin ng salitang "sexy".
Isa sa mahalagang probisyon ng panukala ay ang pagbabawal sa mga advertisement sa print, radio at television na nagpapakita ng sexual violence o gumagamit ng mga seksing babae.
Sinabi ni Atty. Faulino Cases ng MTRCB na mas makakabuting magkaroon ng total ban sa mga television advertisements o trailers na nagpapakita ng karahasan at kalaswaan.
Nangako naman si Atty. Jularbal ng Adboard na susuportahan nila ang panukala. (Ulat ni Malou Rongalerios)