Sa liham ni Comelec Commissioner Florentino Tuason na may petsang January 21, 2005, nais ng election court na linawin kung dapat pa bang isama sa isasagawang preparasyon ng balota ang mga boto ng OFWs, partikular sa Saudi at Hong Kong.
Magugunita na nagsumite ng kanyang election protest sina FPJ at Legarda dahil sa umanoy talamak na pandaraya na ginawa umano ng Arroyo administrasyon upang matiyak ng mga ito ang kanilang panalo noong nagdaang May 10, 2004 Presidential elections.
Sa kanilang isinumiteng protesta, sinabi ng kampo ng oposisyon na mayroong 10,554 na presinto ang umanoy sangkot sa dagdag-bawas kung saan dapat umanong magkaroon ng panibagong bilangan at kung susumahin ay lalabas na 118,399 presinto sa buong bansa ang nagkaroon ng dayaan noong nasabing eleksyon.
Tanging ang election protest na lamang ni Legarda ang dinidinig sa PET, matapos na ibasura nito ang poll protest ni Da King. (Ulat ni Grace dela Cruz)