Ayon kay George San Mateo, tagapagsalita ng Pinagkaisahang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), hindi na kayang masikmura ng mamamayang Pilipino ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na inaasahang tataas pang muli.
Unang itinaas ang presyo ng petrolyo noong Enero at Pebrero at limang magkakadikit na nagtaas nito lamang nakalipas na buwan ng Marso.
Para sa mga sektor ng pamamasada, wala na silang ibang makita pang dahilan kundi ang magtaas ng pasahe sa buong kapuluan.
Kung hindi naman dapat ay humanap ng iba pang alternatibo at epektibong solusyon ang Malacañang para matigil ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis.
Kaugnay nito, muling iginiit ng Inventionhaus International Corporation, tagapagtaguyod ng Khaos Super Turbo Charger (www.khaos.ph), na walang ibang solusyon sa ngayon kundi hikayatin ang lahat ng motorista na gumamit ng kanilang tipid-gas gadget na imbensyon ni Pablo Mr. Khaos Planas. Si Planas, dating jeepney driver-operator ay nagsabing kung patuloy na magiging unstable ang halaga ng gasoline sa bansa, dapat ay tangkilikin na ng lahat ang kanyang produkto na pinag-aagawan ngayon sa ibat-ibang bansa.
Kung matatandaan, mismong ang pamahalaan ng Estados Unidos ay nag-alok ng $20 million o P110 billion, ibigay lamang sa kanila ni Planas ang formula ng natatangi niyang imbensyon.
Hindi pumayag dito si Planas dahil mas gusto niyang Pilipino muna ang makinabang sa kanyang produkto bago ang dayuhan.
Taliwas ang pangyayaring ito sa imbensyon ng flourescent bulb kung saan ibinenta ng isang Pinoy Inventor sa labas ng bansa ang formula ng kanyang imbesyon.
Sa kasalukuyan, libu-libong car owners na ang pumipila sa Presidents Tower sa #81 Timog Avenue, Quezon City at iba pang installation sites ng IIC sa Metro Manila para lamang magpakabit ng Khaos.
Ang naturang tipid-gas gadget ay nagbibigay ng 15-50 porsyentong katipiran sa gasoline, bukod pa sa ibinubugang zero pollution ng tambutso ng nakakabitang sasakyan. (Edwin Balasa/Ellen Fernando)