Itoy matapos sampahan noong Miyerkules ng Ombudsman ng P303 milyong plunder case ang pamilya Garcia.
Napunta ang kaso sa Second Division ng Sandiganbayan na pinamumunuan ni Associate Justice Edilberto Sandoval.
Maliban pa kay Garcia, kasama rin sa kinasuhan ang asawa nitong si Clarita at mga anak na sina Ian Carl, Timothy Mark at Juan Paolo.
Samantala, sinabi ni Special Prosecutor Dennis Villa-Ignacio na naghahanda na sila sa extradition case laban sa mga anak ng dating heneral na napaulat na nagtatago sa Amerika.
Nauna rito, hiniling ni Villa-Ignacio sa Bureau of Immigration (BI) na isama si Clarita sa kanilang watchlist matapos mabatid ng prosekusyon na bumalik ito sa bansa upang bisitahin ang kanyang asawang nakakulong sa Camp Aguinaldo.
Idinagdag ni Villa-Ignacio na ang extradition case na ihahain nila ay katulad ng kay Charlie "Atong" Ang, isa sa mga akusado ng plunder dahil sa di umanoy pakikipagsabwatan kay dating Pangulong Joseph Estrada. (Ulat ni Malou Rongalerios)