Ipinabatid ni Sen. Estrada kay Sen. Drilon ang ginawang pagdetine sa kanya pagdating sa San Francisco International Airport habang kasama niya ang anak na si Jackie Ejercito-Lopez at mga apo ng isang Fil-American na nagngangalang Mr. Pangan.
"As Senate President, I denounce this shabby treatment of a duly-elected Filipino Senator in the hands of US immigration officials. These unnecessary and uncalled for cases of harassment of Filipino officials at US airports should be stop," wika pa ni Drilon.
Ipinaalam agad ni Drilon kay US Ambassador to the Philippines Francis Ricciardone ang nangyari kay Sen. Estrada at agad namang humingi ng paumanhin ang US envoy kasabay ang pangako na aalamin ang tunay na nangyari.
Sinabi ni Estrada na sinalubong siya ng mga US immigration officials at ikinulong sa isang cubicle sa loob ng isa at kalahating oras kung saan ay pinagtatanong siya ni Pangan kaugnay sa kaso ng kanyang asawa na si dating Pangulong Erap Estrada.
"Such question had nothing to do with US immigration laws and I wonder why a member of the Philippine Senate had to be subjected to such irrelevant questioning," dagdag pa ni Drilon. (Ulat ni Rudy Andal)