Ito ang reaksyon ng Malacañang sa House bill 4016 na akda ni Gabriela Partylist Rep. Liza Masa na nagsusulong ng diborsyo sa Pilipinas.
Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, ang panukalang legalisasyon ng diborsyo ay lihis sa isinusulong na patakaran ng administrasyon na "pro-life at pro-family".
Sinalungat din ni Lingayen, Pangasinan Archbishop Oscar Cruz ang panukalang batas sa kamara na nais gawing legal ang diborsyo sa bansa.
Ayon kay Archbishop Cruz, kapag inaprubahan ang diborsyo sa bansa ay makadaragdag lamang ito sa socio-moral at legal problem sa bansa na mayroong kinakaharap na mas seryosong problema.
Aniya, hindi ang diborsyo ang kasagutan sa hindi magandang pagsasama ng mag-asawa dahil hindi naman ito sapilitan kundi doon lamang sa mga nagnanais na tuluyang maghiwalay.
Aniya, kapag pumasa ang divorce bill ay lalong dadami lamang ang biktima ng broken families at magiging masamang trauma ito sa mga bata nang maghihiwalay na mga magulang. (Ulat nina Lilia Tolentino/Gemma Amargo-Garcia)